21.7.09

ang aking mga pers.

sabi nila "you can't forget your very first". ang pinakauna daw ang pinaka-memorable. totoo ba? naniniwala ka ba dun? ako, oo!

dahil mga ka-dudes ko kayo at espesyal kayo para sa akin, i want to share you this post about "all my first" pagdating sa love.

pers love.


ika nga nila 'puppy love'.

five years old pa lang ako ng unang beses panain ng super kulit na si kupido ang puso ko. nasa kindergarten ako noon ng ma-inlove ako sa classmate kong si michelle. dude, maganda talaga siya at halos yata ng kaklase ko ay may crush sa kanya. pero dahil batang-bata pa kami at hindi ko pa siya kayang pakainin ay mas pinili kong itago ang feelings ko for her.

i haven't heard anything from her since we graduated from kindergarten.

pers kiss.

*blushes* hindi si eunice ang first kiss kung hindi ang ka-love team ko noong elementary, si joy. she has been featured in this blog already. remember "a letter to my mom, my blog and someone else"?

it was just a smack . it just happened out of a dare but i enjoyed it a lot. hehe. tama na baka mabasa niya 'to, magalit pa yun sa akin.

pers heartbreak.


huhuhu. ang topic na ayoko sanang pag-usapan pero dahil sports ako and for the sake na rin of this post kaya sige na nga.

grade 4 ako noon ng makilala ko si mj. bagong lipat siya sa school namin from manila. first time ko pa lang siyang makta ay tinamaan na agad ako sa kanya, ika nga nila "love at first sight". kaya todo-todong pagpapa-pansin ang ginawa ko. nalaman ko through a friend na may gusto rin siya sa akin. kaya parang gumuho ang mundo ko ng malaman kong may boyfriend na siya. ouch! at ang mas masakit pa dun ay ng malaman ko na ang boyfriend niya ay... barkada ko. double ouch!

for you guys to know, siya ang unang babaeng iniyakan ko.

pers girlfriend.

si eunice ang first girlfriend ko. nakilala ko siya personally sa 'youth congress' way back in 2006. she was the president of the youth congress at that time. niligawan ko agad siya at after 8 months ng pagti-tiyaga sinagot niya rin ako sa wakas. heaven ang feeling ko ng mga time na yun.

but my happiness didn't last that long. we have lots of differences and masyado siyang focus sa studies niya to the extent na wala na siyang time para sa akin. she didn't even have the time to go out with me. dahil siguro napagod at nagsawa na ang puso ko (wow. corny na yata 'tol), i let her decide if she still wants to continue our very dysfunctional relationship. she said 'no'. sa kanya na nanggaling kaya wala na akong magagawa.

i was so broken at that time. i even lost my concentration. kahit nga yung preparation ko for three coming competitions where i was the school's representative was affected. my coaches even noticed it.

may isang competition dun na isa siya sa mga kalaban ko. we are from different school, mind you. her presence affected me in a way kaya siguro she ended 3rd and nakuha ko naman yung 4th spot. honestly, mas matalino talaga siya sa akin.

natatawa na lang kami kapag naiisip namin yun ngayon. until now, we are still good friends.

pers fling.
i'm not the type of guy na basta-bastang nakikipagrelasyon lalong-lalo na sa text. for me kasi, these kind of relationships are not serious and very immature at saka, it's unfair on the part of the girls kaya not even on my wildest dreams ay naisip kong aabot ako sa stage na papasok ako sa isang relationship through text. maybe, it's because of my desire to forget my first serious girlfriend.

hindi ko nga matandaan kung paano ko nakuha yung cp no. niya honestly. i think through a common friend. halos one week pa lang kaming magka-text ng ligawan ko siya (note: through text) at naging kami overnight (note: through text ulit). hehe, ganun katindi ang kamandag ko. ang hindi ko alam ay kung naging serious siya kasi ako hindi.

i just stopped texting her when i learned na umiinom at nagyoyosi siya, it really turned me off . we have no formal break-up.

note: no comments against me are allowed. lol.

:|.poOt!


41 comments:

Anonymous said...

wow... parang ang dami kong naalala sa mga sinabi mo... hmmm... lalo na yung first kiss hihi... i will never forget that pwamiz haha! hanggang ngaun ramdam ko pa rin siya hahaha! jowknezzz... inpeyrnezz, mukhang good boy ka! ;)

TSI said...

Hmmmm, di ako maka relate sa header mo haha! Noice.

♛ LORD ZARA 札拉 ♛ said...

Gosh!!

kawaii!

those pictures really kawaii!

Hoobert the Awesome said...

hi ate dhyoy!

di ko rin malilimutan yung pers kiss ko. damang-dama ko pa rin ang lips niya. hehe.

oo naman. good boy yata 'to. wahehe. pramis!

Hoobert the Awesome said...

kuya TSI,

bakit naman?

Hoobert the Awesome said...

hi zara,

i really like these 2 characters. i just forgot their names. they are so kawaii like me. lol.

Chyng said...

broken hearteede at 4th grade? come on! ;D

Anonymous said...

whaaaaaahhhhh...sarap talaga alalahanin ang mga lab episodes na yan...kilig! brrrrrrrr!

Hoobert the Awesome said...

ate chyng,

di naman. nakilala ko siya grade 4 pero first year high school ako ng durugin niya ang puso ko. wahehe.

Hoobert the Awesome said...

kuya blu,

oo nga! ang sarap alalahanin yung mga memories na nagpakilig sa'yo. nakaka-inlab. hehe.

Unknown said...

Wow! Bonggang memories yan ah. Super first tlga hahaha. Ang cute. Thanks for sharing them to us. ;D Have a nice day. ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

Hoobert the Awesome said...

hi solo!

oo nga. bonggang bonggang bong bong! hehe.

kaya ko yan ibinahagi sa inyo kasi mahal ko kayo. hehe!!!

have a nice day too!

Reesie said...

ang aga mo naman kumaringking! years old? ako naman 7 yrs old. bwehehe

Hoobert the Awesome said...

hi ate reesie,

hehe. maaga ba?

Anonymous said...

si poot ay nag uumapaw sa pagmamahal
mula ng bata at magpasangayon
hahhahaha

kerengkeng heheeeh

ako naalala ko 5 ako
nun. puppy love

Anonymous said...

perst kiss ko

nung college
2nd year

nako
sya pa nag initiate
ang torpe ko raw kasi

heheh
sa kalsada pa!

nako

Oman said...

wala yung hinihintay kong pers lol. evolution of relationship kasi eh.

Hoobert the Awesome said...

oh pareng jason, nadapa ka ulit dito.

oo naman magmula 5 years old ako hanggang ngayon eh inlab na inlab ako. hehehe.

ang cheap naman ng first kiss mo. hehe. PEACE! imagine, sa kalsada.

Hoobert the Awesome said...

kuya lawstude,

hehe.

uhmmmm... i know what you're thinking. gusto ko sanang ilagay yun pero baka may minors na mapadpad dito. hehe. JOKE lang!

never been touched (period)

p0kw4ng said...

hanep na mga pers yan at sobrang bata pa...di ko maimagine na yung anak ko eh nabroken heart na ngayon..ahahaha grade 4??? as in di ko pa alam ang crush non eh..hihihi...sensya late bloomer ako!

asan yung pers ano mo?? yung ano?? yung ano ba??? yung unang sarap,hehehe

Ax said...

dude, natuwa naman ako dito sa kwento mo. ang mga pers ko, matagal ko ng kinalimutan.

yay.

sobrang kulay ng buhay mo lalo na sa aspeto ng pag-ibig.

gusto ko yung part ng fling. wala lang. hehe. ako rin, di nakikipag textmate!

Anonymous said...

magandang umaga

nako
ang sarap uminom ng slurpee

ay mali sa twitter pala dapat nisulat yun


basta ...

maaga tayo parehong
natamaan ni kupido

biruin mo prep pa hahahah
hahahaha

apir!!!!

The Lady in Green Ruffles said...

ayos

Hoobert the Awesome said...

hi ate pokz!

hehe. alam ko yun. tinanong na yun sa'kin ni kuya lawstud. censored kasi yun. hehe. baka nagbabasa si mama. toinks. joke lang!!!

Hoobert the Awesome said...

hi kuya ax,

ang mga pers di kinakalimutan. lol. ako tinatago ko sila sa baul ng puso ko. hehe. korni.

Hoobert the Awesome said...

hi pareng jason!

putcha kasing kupido yan. ang kulet kulet parang ikaw. hehe!

Hoobert the Awesome said...

hi the lady in green raffles!

your nick remembers me of the pen name of Aila Fisher's character in "The Confessions of Shopaholic" --- The Lady in the Green Scarf.

nice at napadaan ka!

Akso Rojas said...

tama nga naman. di dapat kalimutan ang ating pers!

hehe.

nasan ba si kupido at magpapapana ulit ako! yay.

K.noizki said...

Hayy sarap talagang maging bagets. Kung walang mga pers wala kang post na ganito.

Inurag-uragan, haha!

Hoobert the Awesome said...

hi kuya ax,

kumakain pa si kupido! nagutom kakapana ng mga inosenteng puso. lol.

papana ka ulit.

Hoobert the Awesome said...

hi kuya k,

oo nga masarap talagang maging bagets.

nami-miss mo na pagiging teen mo?

Anonymous said...

baul baul ka pang nalalaman dyan

heheh sige nga nasan ang pinsan mong 5 years old dali contest kami sa drawing

nako!
hahahahaha


oi makikinig muna ko sa
right round mo d2...


patambay

Hoobert the Awesome said...

hehe pareng jason!

PEACE na lang. kagagaling ko lang sa duty kaya pagod pa ako. ayaw ko muna ng away. tulog muna ako. zzzzzzz...

Unknown said...

wahahah. ambata bata mo naman nagsimula. 5 yrs old!!??

parang ako din eh. may kunwari-kunwariang asawa na ko when i was 6. haha at yung babae pag nagpropose, she was 5. she gave me a cake and she she whispered: "asawa na kita" LOL

i still caa't help but giggle everytime I remember that. ^_^

at kelangan emo-ic yung images..? hehe

www.monzavenue.com

Hoobert the Awesome said...

hi kuya mon,

nadapa ka yata?

oo. medyo may pagka-emo ako nung ginawa ko yan. lol.

mas makamandag ka kesa sa akin. look, 6 years old may asawa na! tsk. tsk. hehe

Anonymous said...

Isang malaking "HAAAAAAAAAAAAAAY"
Sarap balikan ng mga pers taym. Dami ko naalala sa post mo na to. Mahirap tlga makalimutan.

ahahahh, napakapilyo naman ni kupido at ke bata mo pa pinagpapapana ka na. teka, pag nga nakita mo ulit, pakisabi daan siya sa akin! ahehehe

ayos!!!!! Hay payb!

Hoobert the Awesome said...

hi kuya tope!

oo. tinawagan ko na si kupido. sabi ko dumaan siya dyan banda sa may canada.

hehehe.

joan said...

..huwaw. ahhhhhhhhm ayus ahh.. kinder ka pa lang aktibo ka na! wahahahaha. at kamustah naman ang pers kiss?? ayie! kilig. hehe. :p

Hoobert the Awesome said...

hi joan!

masarap! hehe. *blushes*

Anonymous said...

aba aba. me mga ganyan din akong mga pers pers. hehehe! ipopost ko din yun soon. inggit ako eh. hhehehe! sarap balikan ng nakaraan pero minsan nakakalungkot huhuhu!

inadd nga pala kita sa blogroll ko. add mo din ako pare ha. hehehe!

Hoobert the Awesome said...

hi dilan!

hehe. sige gawa ka rin para may mabasa na naman ako. hehe!

in-add mo ko? hehe. thanks pare. sige add din kita :)